muli kong nadama ang kalungkutan ng pagiging mag-isa..
sa ganitong panahon, nais ku ng kayakap, na yayakap din sa akin nang buong alab.. alab na agarang tutuyo sa mga patak ng aking luhang mga bihirang tao lamang an nakakasaksi.. an tagi kung naiisip ay halughugin ang daigdig para sa sinumang uunlak sa aking daing.. nakahanap na nga ba? o hinde na lamang hinanap ang gustong hanapin?
akap. hinde ko kelangan ng isa, dalawa, o higit pang kainuman.. alam kung hinde nila kayang pawiin ang kelangan pawiin, at punan ang kelangang punan..
nais ko nang sadyain ang pagguho ng aking katinuan, ng aking sarili.. ngunit anu nga bang mapapala ko dun? kung ilulugmok ku ang sarili, para ko nang kinusot ang napuwing kong mata, hinde naman maaalis ang nagpapaluha, mamumula pa.
ayoko nang ganito. nalulungkot. nag-iisa.
"ngunit kahit ano, makakarating din tayo, kung saan tayo patungo, ang daan ay liku-liko, mawala man tayo, KITA-KITA sa DULO.. " eraserheads
10:59 pm another unfortunate event for adrisibs
*sigh*